Klase sa Mapua University suspendido dahil sa bomb threat
Sinuspinde ang klase sa Mapua University sa Intramuros, Maynila ngayong araw ng Huwebes (Oct. 3) dahil sa bomb threat.
Sa post sa kanilang official Twitter Account nakasaad na pinalikas ang mga estudyante at kanilang empleyado sa Intramuros Campus dahil sa bomb threat.
Ituturing na lamang na “digital day” ang araw na ito at isasagawa ang klase online.
Inatasan ang mga estudyante na mag-access sa kanilang Blackboard accounts.
Noong Sept. 19 nasuspinde rin ang klase sa Intramuros at Makati Campus ng Mapua dahil din sa bomb threat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.