Water level ng Angat dam nabawasan, antas naman ng tubig ng La Mesa dam bahagyang nadagdagan

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam ngayong Huwebes (October 3).

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, nasa 190.30 meters ang antas ng tubig ng Angat dam mas mababa sa antas nito
kahapon na 190.39 meters.

Bahagya namang tumaas ang water level ng La Mesa dam ngayong umaga na nasa 78.34 meters mas mataas sa 78.30 meters na antas nito kahapon.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Samantala nabawasan naman ang water level ng Ipo, Ambuklao at Caliraya dams.

Read more...