One-way traffic scheme ipatutupad sa east service road ng SLEX Alabang mula sa Oct. 8

Magpapatupad ng one-way traffic scheme sa east service road ng Alabang hanggang Sucat South Luzon Expressway Northbound.

Ito ay para masolusyonan ang nararanasang pagsisikip sa daloy ng traffic mula nang ipasara ang bahagi ng Alabang Viaduct.

Sisimulan ang one-way traffic scheme sa east service road mula alas 10:00 ng gabi ng October 8.

Inaasahang makatutulong ito para mabasawan ang nararanasang matinding traffic sa SLEX northbound.

Magdaragdag din ng apat pang temporary toll booths, 1 dito ay RFID capable malapit sa Amkor Anam, East Service Road para sa mga sasakyang galing ng Alabang upang maiwasan ang pagdami ng mga sasakyan sa Alabang Northbound Toll Plaza.

Read more...