Pamilya ni Mary Jane Veloso biyaheng Indonesia sa Lunes

By Den Macaranas January 09, 2016 - 08:02 PM

Philippine convicted drug smuggler on death row Mary Jane Fiesta Veloso, is escorted by Indonesian police as she arrives at the court in Sleman in central Java island for a hearing of judicial review on March 3, 2015 after a plea for clemency was rejected by Indonesian President Joko Widodo. A Frenchman, two Australians, Brazilian and a Filipino are among a group of foreigners, who have lost their appeals for clemency and are facing imminent execution. Brazil and France have also been ramping up pressure on Jakarta, with Paris summoning Indonesia's envoy and the Brazilian president refusing to accept the credentials of the new Indonesian ambassador. AFP PHOTO / SURYO WIBOWO
 AFP PHOTO / SURYO WIBOWO

Abala sa preparasyon para sa kanyang kaarawan bukas, araw ng Linggo ang mga kaanak ni Mary Jane Veloso sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinabi ni Atty. Edre Olalia, secretary general ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) na sa Lunes ay biyaheng Indonesia ng mga magulang ni Mary Jane kasama ang kanyang dalawang anak.

Si Veloso ay nahuli noong taong 2010 sa Indonesia habang ipinupuslit umano ang 2.6 kilogram ng Heroin.

Nauna nang inireport noong nakalipas na linggo ng Jakarta Post na nakatakdang bitayin sa mga susunod na araw ang labing-apat mula sa limampu’t limang mga drug convicts.

Umaasa naman ang mga kaanak ni Veloso na hindi siya kasama sa mga bibitayin lalo’t umusad na sa bansa ang kaso laban sa kanyang mga recruiter.

TAGS: drugs, indonesia, Olalia, veloso, drugs, indonesia, Olalia, veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.