Magkasunod na pagyanig naitala sa magkahiwalay na lugar sa Davao Occidental at Davao Oriental

Nakapagtala ng magkasunod na pagyanig sa makahiwalay na bayan sa Davao Occidental, Davao Oriental .

Unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Jose Abad Santos alas 3:18 ng madaling araw ng Huwebes, Oct. 3.

Sa 115 kilometers southeast ng Jose Abad Santos ang epicenter ng pagyanig.

May lalim na 28 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Samantala, tumama naman ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental alas 3:34 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 54 kilometers southeast ng naturang bayan.

Tectonic din ang origin ng pagyanig at may lalim na 23 kilometers.

Hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

Bago ito, una nang tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental alas 2:40 ng madaling araw.

Read more...