Thunderstorms inaasahan sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na binabantayan ang isang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Luzon.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 650 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora o 715 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Infanta, Quezon.
Wala pa ring direktang epekto ang LPA sa anumang kalupaan ng bansa.
Ngayong araw, nakikita ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng bansa dahil sa kawalan ng malakas na hangin sa landmass.
Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na may posibilidad ng thunderstorms lalo na sa hapon o gabi
Walang nakataas na gale warning sa anumang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.