LGU officials papanagutin sa hindi pagsunod sa helmet law
Noong nakaraang taon, nakapagtala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng 26,652 motorcycle accidents sa mga lansangan sa Metro Manila at mas mataas ito ng 21 porsiyento kumpara noong 2017.
Sa hiwalay na pag-aaral ng World Health Organization – Philippines, higit sa kalahati ng naitalang 11,264 na namatay dahil sa mga aksidente sa lansangan sa buong bansa ay driver o pasahero ng motorsiklo.
Base pa rin sa naturang pag-aaral, sa bilang ng mga namatay ay 90 porsiyento ang walang suot na helmet.
Ang aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo ang unang inihayag ni Sen. Ramon Revilla Jr., sa pagdinig na may kaugnayan sa kaligtasan sa lansangan.
Sinabi ni Revilla na ang mataas na bilang din ng mga namamatay sa pagsakay sa motorsiklo ay bunga ng mga lokal na ordinansa na maituturing na paglabag sa Motorcycle Helmet Act of 2009.
Ayon sa senador, ang iba’t-ibang ordinansa ukol sa pagsusuot at hindi pagsusuot ay nagdudulot ng kalituhan sa mga motorcycle riders.
Kinuwestiyon din nito kung mas mangingibabaw ang ordinansa sa pambansang batas.
Samantala, sinabi naman ni Sen. Grace Poe, pinuno ng Committee on Public Services, napakahalaga na naipapatupad ang mga batas para sa ligtas na paggamit ng mga lansangan.
Dahil dito ay isinulong ng senadora na itakda ang ikatlong araw ng Linggo ng Nobyembre bilang National Day of Remembrance for Road Crash Victims.
Nangako din si Poe na ipapabalik niya ang P27 milyong pondo para sa road safety programs, logistics and equipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.