Higit 11,000 senior citizens nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3

By Len Montaño October 03, 2019 - 02:41 AM

Mahigit 11,000 na mga senior citizens ang nakinabang na sa alok na libreng sakay ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 11,798 senior citizens ang nakalibre na ng sakay sa MRT-3.

Ang naturang bilang ay tala ng DOTr sa unang araw ng implementasyon ng libreng sakay bilang pakikiisa ng ahensya sa Elderly Filipino Week.

Ang libreng sakay ng mga nakatatanda sa MRT-3 ay nagsimula noong October 1 at tatagal hanggang October 7 mula alas 5:00 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ang Senior Citizen ID o anumang ID na may patunay na ang sasakay ay edad 60 anyos pataas.

 

TAGS: dotr, Elderly Filipino Week, libreng sakay, MRT 3, nakinabang, senior citizen, unang araw, dotr, Elderly Filipino Week, libreng sakay, MRT 3, nakinabang, senior citizen, unang araw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.