‘Salvage victim’ natagpuan sa Cebu City

By Len Montaño October 03, 2019 - 02:32 AM

CDND Photo/Paul Lauro

Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang lalaking natagpuang patay sa Sitio Cab-asan, Barangay Tagba-o sa Cebu City.

Ayon kay Barangay Kagawad Fernando Arcilla, napuna nilang may isang itim na van na dumaan sa kanilang lugar Martes ng gabi.

Nakita ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki Miyerkules ng umaga.

Nabatid na nakatali ang mga paa ng biktima na nakasuot ng itim na pantaas at pulang shorts.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay tinatayang nasa 30 anyos at may bigat na 70 hanggang 80 kilos.

Lumabas sa pagsusuri ng SOCO na may mga tama ng bala ng baril ang lalaki na ikinamatay nito.

Walang bakas ng dugo kung saan ito natagpuan kaya hinala ng otoridad ay pinatay ito sa ibang lugar at itinapon lamang sa naturang barangay.

 

TAGS: binaril, Cebu City, nakatali, paa, Salvage victim, SOCO, binaril, Cebu City, nakatali, paa, Salvage victim, SOCO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.