4 na drug suspects arestado sa Maynila

Timbog ang 4 na lalaki na nasa drugs watchlist sa buy bust operation sa Binondo, Manila Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, naaresto ang mga suspects sa operasyon sa Delpan Street kanto ng San Nicolas Street sa Barangay 286.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng P500 halaga ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspects ang 19 na maliit na pakete ng shabu.

Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...