US visa ng umanoy ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro kinansela

By Len Montaño October 03, 2019 - 01:57 AM

Tinatrabaho na ng Pilipinas ang deportation ng tinaguriang “drug queen” na si Guia Gomez Castro na dating chairwoman ng Barangay 484 sa Sampaloc, Manila.

Hakbang ito ng bansa kasabay ng pagkasela ng Estado Unidos sa visa ni Castro.

Ayon kay Justice spokesperson Markk Perete, sa hiling ng Department of Justice (DOJ) ay kinansela ng US ang visa na ibinigay nito kay Castro.

Nakikipag-ugnayan na anya ang Bureau of Immigration sa mga counterparts nito sa Amerika kaugnay ng deportation o pagbalik sa bansa ng dating kapitana.

Nabatid na mula Thailand, kung saan ito unang naiulat na pumunta, ay dumaan si Castro sa Taiwan saka pumasok ng US.

Si Castro ay sinasabing may kaugnayan sa mga “ninja cops” sa drug recycling.

May kinakaharap itong tatlong kaso sa bansa na may kaugnayan sa droga at paglabag sa Bouncing Check Law.

 

TAGS: Bouncing Check Law, bureau of immigration, deportation, DOJ, drug queen, drug recycling, Guia Gomez Castro, Justice spokesperson Markk Perete, Kinansela, ninja cops, US visa, Bouncing Check Law, bureau of immigration, deportation, DOJ, drug queen, drug recycling, Guia Gomez Castro, Justice spokesperson Markk Perete, Kinansela, ninja cops, US visa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.