MMDA: 300 aksidente naitatala sa Metro Manila kada araw
Hindi bababa sa tatlong daang aksidente ang naitatala sa Metro Manila kada araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim sa pagdinig ng Senate committee on public services, araw ng Miyerkules.
Mas mataas ito kumpara sa inihayag ni Senadora Grace Poe na halos labing-tatlong aksidente ang naitatala kada oras sa Metro Manila.
Aniya, nagkakaroon din ng pagkakataon na maging ang mga traffic enforcer ay nagiging biktima ng aksidente.
Dahil dito, suportado aniya ng MMDA ang mga panukalang batas para ideklara ang ikatlong Linggo ng Nobyembre bilang National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors, and their Families.
Oras na siguro aniya para i-institutionalize ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.