DOLE: 2 Pinoy kumpirmadong patay sa pagbagsak ng tulay sa Taiwan

By Angellic Jordan October 03, 2019 - 01:21 AM

Dalawang mangingisdang Filipino ang kumpirmadong patay sa pagguho ng tulay sa Taiwan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Gumuho ang tulay sa Nanfangao sa Yilan county noong araw ng Martes.

Sa inilabas na pahayag, kinilala ng kagaawaran ang mga biktima na sina Andree Abregana Serencio at Gorge Jagmis Impang.

Samantala, limang Pinoy ang sugatan habang isa pang Pinoy na si Romulo Ilustrisimo Escalicas Jr. ang napaulat na nawawala.

Sinabi naman ng DOLE na patuloy pa rin ang search and rescue operation sa lugar.

Nangako rin ang kagawaran na tutulong sa pagpapauwi sa mga labi ng mga biktima.

 

TAGS: 2 pinoy, bumagsak, DOLE, Mangingisda, patay, search and rescue operation, Taiwan, tulay, 2 pinoy, bumagsak, DOLE, Mangingisda, patay, search and rescue operation, Taiwan, tulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.