Nagnegatibo sa African Swine Fever (ASF) ang Marikina River
Ito ang masayang inanunsyo ni Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro sa harap ng mga miyembro ng Marikina Anglers Association (Samahan ng mga Mangingisda).
Magugunitang umabot sa 65 ang bilang ng mga patay na baboy na natagpuang nagpapalutang-lutang sa Marikina River.
Pero ayon kay Teodoro, batay sa pagsusuring isinagawa ng Laguna Lake Development Authority, negatibo sa ASF ang ilog.
“Based on the ASF virus analysis of the Laguna Lake Development Authority, Marikina River tested negative for ASF,” ani Teodoro.
Posible anyang dahil sa mabilisang pag-alis sa mga patay na baboy sa ilog kaya’t hindi naging malala ang kontaminasyon.
“Maybe because we were able to quickly retrieve the carcasses of the pigs that’s why the level of contamination is not so much. We were able to remove 65 carcasses from the river,” dagdag ng alkalde.
Batay pa anya sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ligtas kainin ang mga isda sa Marikina River.
Mababa sa regulatory limit ang mga isdang sinuri sa Ecoli at Staphylococcus Aureus.
Nauna nang nagbabala ang alkalde na sasampahan ng mga kaso ang nasa likod ng pagtatapon ng patay na baboy sa Marikina River dahil sa paglabag sa Clean Water Act at Sanitation Code.