Panukalang pagpapaliban ng 2020 Brgy. at SK elections pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon October 03, 2019 - 12:55 AM

File photo

Aprubado na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang gawin sana sa susunod na taon.

Sa viva voce voting lumusot ang House Bill 4933.

Sa ipinasang panukala, inamyendahan ng kamara ang una nitong bersyon na sa ikalawang lunes ng Mayo 2023 ang eleksyon.

Ginaya nito ang bersyon ng Senado na gawin ang halalang pambarangay sa December 5, 2022.

Nauna rito, ang pondo na P5 billion para sa barangay at SK elections sa susunod na taon ay inilipat ng Kamara at inilagay sa pondo upang ipambili ng bigas.

 

TAGS: aprubado, barangay, elections, House Bill 4933, ikalawang pagbasa, Kamara, sangguniang kabataan, viva voce voting, aprubado, barangay, elections, House Bill 4933, ikalawang pagbasa, Kamara, sangguniang kabataan, viva voce voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.