Oras ng operasyon ng mga mall hihilingin ng MMDA na baguhin ngayong holiday season

By Erwin Aguilon October 02, 2019 - 11:45 PM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Makikipagpulong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operator upang muling ipabago ang oras ng kanilang operasyon.

Sa harap ito ng inaasahang “carmageddon” sa papalapit na holiday season.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni MMDA Assistant General Manager Jose Campo na ito ay sa gitna ng inaasahang mas matinding trapik dahil sa holiday season.

Ipapanukala ng ahensya na buksan ng alas 11:00 ng umaga ang mga mall na nasa Edsa at iba pang pangunahing lansangan habang depende na sa mga mall kung anong oras magsasara.

Samantala, inabisuhan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga airline company na sundin ang mga oras ng departure at arrival para maiwasang magkaroon ng congestion sa mga paliparan sa holiday season.

Ang Philippine National Railways (PNR) naman ay nakatakdang magdagdag ng biyahe simula sa Nobyembre 15.

Magiging extended na rin ang operasyon kung saan mula sa dating hanggang 7:30 ng gabi ay magiging 8:30 na ng gabi.

Habang ipinanukala ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na bumuo ng special committee para lamang ngayong holiday season upang mapag-isa ang mga plano at programa ng mga ahensya ng gobyerno na layong mabawasan ang bigat ng trapiko lalo na sa Metro Manila.

 

TAGS: Airport, arrival, carmageddon, departure, DILG, edsa, Holiday Season, kapaskuhan, mall, MIAA, mmda, operasyon, paliparan, PNR, trapik, Airport, arrival, carmageddon, departure, DILG, edsa, Holiday Season, kapaskuhan, mall, MIAA, mmda, operasyon, paliparan, PNR, trapik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.