Umanoy manipulayson sa presyo ng bigas iimbestigahan ng DA at PCC

By Noel Talacay October 02, 2019 - 11:35 PM

DA photo

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na iimbestigahan ang posibleng manipulasyon sa presyo ng bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, katuwang ng ahensya ang Philippine Competition Commission (PCC) sa gagawing imbestigasyon.

Lumagda ng kasunduan sina Dar at PCC Chairman Arsenio Balisacan para sa information at resources sharing sa pagitan ng dalawang ahensiya ng gobyerno.

Nais nilang malaman kung bakit hindi bumababa ang presyo ng bigas kahit nailabas na ng National Food Authority (NFA) sa merkado ang 3.4 milyong sako ng bigas.

Layunin din anya ng nasabing imbestigasyon na tingnan kung nagkakaroon ng ‘fair trade’ o nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng importers, traders, at millers.

Simula nang maipatupad ang Rice Tariffication Law, tone-toneladang imported na bigas na pumasok sa bansa.

 

TAGS: Agriculture Secretary William Dar, Bigas, Department of Agriculture, manipulasyon, nfa, PCC Chairman Arsenio Balisacan, Philippine Competition Commission, Presyo, rice tariffication law, Agriculture Secretary William Dar, Bigas, Department of Agriculture, manipulasyon, nfa, PCC Chairman Arsenio Balisacan, Philippine Competition Commission, Presyo, rice tariffication law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.