Magalong mas may kredibilidad kaysa kay Albayalde ayon sa mga senador

By Jan Escosio October 02, 2019 - 11:22 PM

Sa nangyaring pasaringan nina Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde at dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagdinig sa Senado noong Martes, hindi naiwasan na pagkumparahin ang dalawang produkto ng Philippine Military Academy (PMA).

Maging ang mga tumutok sa pagdinig ay naglabas ng kani-kanilang opinyon sa social media.

Maging sa hanay ng mga senador base sa kanilang mga narinig ay may posisyon na mas pinaniniwalaan nila si Magalong.

Si Senate Minority Leader Frank Drilon, sinabi na mas may kredibilidad ang dating director ng CIDG.

Ayon kay Drilon, mahigit isang buwan na lang sa serbisyo si Albayalde at aniya nagkaroon pa ng bahid ang integridad ng hepe ng pambansang pulisya.

Sinabi pa ng senador na mapait sa panlasa ang pagtawag ni Albayalde kay noon ay Central Luzon Police Dir. Aaron Aquino at mag-usisa sa lagay ng mga kaso ng mga itinuturong ‘Agaw Bato Cops’ na sina Police Maj. Rodney Baluyo.

Sa pakikipagkita umano nila ni Senator Richard Gordon kay Aquino noong Sabado, idinagdag ni Drilon na sinabi ng ngayon ay pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinakiusapan siya dati ni Albayalde na huwag ipatupad ang inilabas na dismissal order laban sa grupo ni Baluyo.

Sinabi naman ni Gordon na sa nakaraang pagdinig, nagkalamat na ang integridad nina Albayalde at Aquino dahil sa kanilang mga pahayag.

Ngunit para kay Senate President Vicente Sotto III, kung may dapat man panagutan si Albayalde, bahala na ang korte at sa kanyang palagay ay buo pa rin ang kredibilidad ng hepe ng pambansang pulisya.

“That’s for the courts to decide, or even the Napolcom because sila yata ang inaatasan ng DILG na tumingin niyan. I would rather not comment or give my personal assessment. As the present chief PNP I don’t think his credibility is affected. Ibang usapan yung nakaraan, hindi natin masabi kung may value or what, di ba? But we are talking about the present situation, wala akong nakikitang masama,” ani Sotto.

 

TAGS: agaw bato, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, integridad, kredibilidad, ninja cops, PNP chief General Oscar Albayalde, senador, agaw bato, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, integridad, kredibilidad, ninja cops, PNP chief General Oscar Albayalde, senador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.