Magalong: Mga nagpapatupad ng drug war, may ‘inconsistency’

By Len Montaño October 02, 2019 - 11:14 PM

Inihayag ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang na tila may “inconsistencies” ang mga nagpapatupad ng kampaya laban sa droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Magalong na hanggang ngayon ay mayroon pa ring problema sa Philippine National Police (PNP) dahil nananatiling namamayagpag ang grupo na may kaugnayan sa kalakalan ng iligal na droga.

Malinaw anya sa pagdinig sa Senado na lumabas na mismong mga nagpapatupad ng drug war ay “inconsistent” at mayroong “deception” o panlilinlang.

Ibinahagi pa ni Magalong ang pagkalungkot at pagkadismaya ng mga rank ang file officers ng PNP dahil nadadamay anila silang nagtatrabaho ng tama sa umanoy katiwalian ng iba.

Sa isyu naman ng pagka-ugnay ni PNP chief General Oscar Albayalde sa “ninja cops” dahil sa kwestyunableng raid noong 2013 sa Pampanga kung saan siya ang dating provincial director, iginiit ni Magalong na dapat lamang na ilabas kung ano talaga ang katotohanan.

Narito ang bahagi ng panayam kay Magalong:

 

TAGS: Baguio City Mayor Benjamin Magalong, deception, drug war, inconsistency, nagpapatupad, ninja cops, PNP chief General Oscar Albayalde, Radyo Inquirer, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, deception, drug war, inconsistency, nagpapatupad, ninja cops, PNP chief General Oscar Albayalde, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.