Dating LTO Chief Torres inilibing na

By Den Macaranas January 09, 2016 - 03:46 PM

Viriginia-Torres
Inquirer file photo

Inilibing na kaninang alas onse ng umaga sa La Paz Tarlac Memorial Park si Dating Land Transportation Office Chief Virgie Torres.

Si Torres ay namatay noong January 2 sa Medical City sa Clark Pampanga makaraan siyang makaranas ng heart attack.

Nakilala bilang kaibigan at kabarilan ni Pangulong Noynoy Aquino, si Torres ay naging pinuno ng LTO sa lalawigan ng Tarlac bago siya nahirang na pinuno ng LTO head office.

Naging kontrobersiyal ang kanyang pangalan makaraan siyang masangkot sa ilang mga maanomalyang transakyon sa loob ng LTO hanggang sa iwan niya ang pwesto noong 2013.

Naging laman din siya ng mga balita makaraan siyang makunan ng video habang nagsusugal ng Casino bagay na ipinagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan.

Kamakailan ay muling nalagay sa kontrobersiya ang kanyang pangalan makaraan umanong tangkaing ilabas sa Bureau of Customs ang P100Million halaga ng smuggled sugar.

 

TAGS: Aquino, lto, Tarlac, Virgie Torres, Aquino, lto, Tarlac, Virgie Torres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.