Magalong: Isyu sa ‘ninja cops’ galing kay dating PNP chief Purisima
Nilinaw ni dating Philippine National Police – Criminal Investigation Detection Group (CIDG) director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi sa kaniya direktang nanggaling ang impormasyon ukol sa umano’y drug recycling o ‘ninja cops.’
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Magalong na nanggaling ang impormasyon kay dating PNP chief Alan Purisima.
Si Purisima aniya ang nakatanggap ng impormasyon na biglang nagkaroon ng sports utility vehicle (SUV) ang labing-tatlong pulis-Pampanga pagkatapos ang isinagawang anti-drug operation sa bayan ng Mexico noong 2013.
Ito aniya ang nagtulak para magsagawa ng imbestigasyon sa isyu.
Si PNP chief General Oscar Albayalde ang Pampanga police provincial director nang mangyari ang kontrobersyal na operasyon noong 2013.
Matatandaang si Magalong ang nagdawit sa pangalan ni Albayalde na sangkot umano sa mga ‘ninja cops’ sa isinagawang executive session sa Senado.
Narito ang bahagi ng panayam kay Magalong:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.