Pagasa: LPA sa bahagi ng Camarines Norte magla-landfall sa Biyernes o Sabado

Hindi inaasahang maging tropical storm o bagyo ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Camarines Norte pero inaasahan na tatama ito sa kalupaan.

Ayon sa Pagasa, inaasahang magla-landfall ang LPA sa Northern o Central Luzon sa Biyernes o Sabado.

Huling namataan ang sama ng panahon 760 kilometer silangan ng Daet, Camarines Norte.

Dahil dito ay asahan ang maulap na panahon na may kasamang thunderstorms sa hapon at gabi.

Samantala, wala ng epekto sa bansa ang Bagyong Onyok na may international name Mitag at inaasahan na ang landfall nito sa timog bahagi ng South Korea Miyerkules ng gabi.

 

Read more...