Humihirit ang Department of Energy kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin na ang moratorium sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea bago pa man matapos ang taong 2019.
Sa pulong balitaan sa Malacanang sinabi ni Energy Assistant Secretary Leonido Pulido na sa ngayon, pinag aaralan na ng Office of the President ang hirit ng DOE.
Nabatid na noong 2018 pa umaapela ang DOE sa Malacanang na bawiin na ang moratorium na naunanang ipinatupad ni dating pangulong Benigno Aquino III noong 2014.
Naniniwala ang DOE na malaking tulong sa bansa ang oil and gas exploration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.