Magalong: Tuloy-tuloy ang pagtanggap ko ng death threats

By Den Macaranas October 02, 2019 - 06:23 PM

Jan Escosio

Inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tumatanggap na siya ng maraming mga pagbabanta sa kanyang buhay mula nang isiwalat niya ang ilang impormasyon kaugnay sa “ninja cops”.

Inamin rin ng opisyal na dahil sa kanyang pagsasalita sa Senado na naibang bigla ang takbo ng kanilang pamumuhay dahil sa mga pagbabantang natatanggap.

Kahit na nag-iingat, aminado ang dating opisyal ng Philippine National Police na hindi maiwasan  na mag-alala ang kanilang kampo sa kanilang seguridad.

Sinabi rin ni Magalong na nag-aalala rin siya sa seguridad ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino pati na sa pamilya nito.

Bukas ay nakatakdang muling humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sina Magalong at Aquino.

TAGS: aaron aquino, albayalde, death threats, magalong, ninja cops, PDEA, aaron aquino, albayalde, death threats, magalong, ninja cops, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.