Mga umambush kay dating Pangasinan Gov. Espino kinasuhan na ng PNP
Isinampa na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawanng kaso ng murder at apat na frustrated murder cases laban sa 22 katao na isinasangkot sap ag-ambush kay dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr.
Sinabi ni Police Region Office 1 (PRO1) Director Joel Orduna na malakas ang kanilang hawak na ebidensya laban sa mga suspek sa krimen.
Kasama sa mga kinasuhan sina Albert Palisoc, alias “Alvin Pascaran;” Armando Frias, alias “Jong;” Benjie Resultan; Joey Ferrer; Ronnie de los Santos; Gerry Pascua alias “Kagawad Guapo;” Sherwin Diaz; Teofilo Ferrer, alias “Pong;” a certain Russel, alias “Sel;” Jewel Castro; John Paul Regalado; Alfred Pascaran; at sampoung John Does.
Sinabi ng opisyal na pawang mga miyembro ng gun-for-hire group ang mga kinasuhan.
Inaalam pa sa kasalukuyan kung sino ang utak sa nasabing ambush sa grupo ni Espino na naganap noong Septeber 11 sa San Carlos City.
Sugatan sa pananambang ang dating gobernadora samantalang patay naman ang ilan sa kanyang mga tauhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.