PNP handang ipaliwanag ang nawawalang reward sa Batocabe case
Handa ang Philippine National Police (PNP) na harapin ang posibleng ikasang imbestigasyon ng Kamara ukol sa P35 Million pabuya para mahanap ang mga responsable sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Sa pamamagitan ng inihaing House Resolution no. 384, inihirit kasi nina Anakalusugan Rep. Michael Defensor at House Minority leader Bienvenido Abante Jr. na magsagawa ng pagdinig kung paano ginamit ang nabuong pabuya para sa kaso.
Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na handa ang PNP na humarap sa anumang pagdinig na gagawin ng House public accounts committee ukol sa kaso.
Dadalhin aniya ng kanilang mga representante ang mga dokumento para ipaliwanag sa pagdinig.
Samantala, iginiit ng opisyal na hindi pa maitatalakay ang detalye kung paano ginamit ang pabuya para sa kasong kaso dahil sa seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.