Billy Crawford nanakawan ng cellphone habang nagpapalit ng flat na gulong ng sasakyan sa Pasig
Naagawan ng cellphone si Billy Crawford habang ito ay nagpapalit ng flat na gulong ng kaniyang sasakyan sa Pasig City kamakailan.
Sa post sa Instagram ibinahagi ni Coleen Garcia ang nangyari sa mister.
Ginagamit umano ni Billy ang cellphone nito bilang flashlight habang nagpaalit ng gulong nang hablutin ito ng mga batang dumaan sa lugar.
Sa kabila ng naranasan, sinabi ni Coleen na marami pa rin silang mas dapat na ipagpasalamat ng mister.
Kababalik lang ng dalawa mula sa kanilang biyahe sa Dubai nang mangyari ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.