4 ang patay, 12 nawawala sa gumuhong tulay sa Taiwan

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2019 - 11:40 AM

Apat na ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang nawawala sa gumuhong tulay sa Taiwan.

Nadaganan ng gumuhong tulay ang mga fishing boat na nasa ilalim nito.

Dalawa sa mga nasawi ang unang natagpuan na na-trap sa debris ng tulay habang ang dalawa pa ay nakita malapit sa isa sa mga nabagsakang fising boat.

Ayon sa fire agency ng Taiwan, 12 ang naitalang sugatan sa insidente kabilang ang 6 na Pinoy at 3 Indonesians na pawang fishing workers.

Hindi pa naman agad inilahad ang nationality ng apat na nasawi.

Una nang napaulat na may tatlong Pinoy na kabilang sa mga nawawala.

TAGS: 4 dead, fish workers, Radyo Inquirer, taiwan bridge, 4 dead, fish workers, Radyo Inquirer, taiwan bridge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.