Reporter nadukutan sa gitna ng Traslacion

By Den Macaranas January 09, 2016 - 03:37 PM

nazareno-museum-0109
Inquirer file photo

Isang radio reporter ng Radio Mindanao Network (DZXL) ang nawalan ng P4000, ATM card at media ID makaraan siyang madukutan sa gitna ng prusisyon ng Black Nazarene.

Sinabi ng naturang reporter na hindi na nagpabanggit ng pangalan na hinihintay niyang ibato pabalik sa kanya ang kulay puti niyang panyo na nang maramdaman niyang may dumikit sa kanyang likuran.

Huli na ng makapa niya na wala na sa kanyang bulsa ang kanyang wallet na naglalaman ng nasabing halaga at I.Ds.

Samantala, sinabi ng Manila Police District na patuloy ang kanilang pagmamasid sa hanay ng mga deboto ng Itim na Nazareno dahil tiyak na sasamantalahin din ng ilang elementong kriminal ang pagkakataon para makapam-biktima.

Aabot sa apat na libong mga naka-uniporme at naka-sibiliyang mga tauhan ng pulisya ang naka-deploy sa prusisyon.

Samantala, kapansin-pansin naman ang pagdagsa ng mga foreign tourists na sumasaksi sa parada ng itim na Nazareno.

 

TAGS: manila, Nazareno, quiapo, Reporter, RMN, manila, Nazareno, quiapo, Reporter, RMN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.