North Korea muling nagpakawala ng projectiles sa eastern sea
By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2019 - 10:54 AM
Nagpakawala muli ng hindi pa tukoy na uri ng projectiles ang North Korea sa eastern sea.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, hindi pa kumpirmado kung anong uri ang pinakawalan ng NoKor.
Pero ayon kay Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga dalawang ballistic missiles ang pinakawalan ng Pyongyang sa east coast.
Isa sa dalawang missiles ay bumagsak umano sa exclusive economic zone ng Japan sa northwestern coast.
Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.