Pangulong Duterte dumating na sa Moscow

Nakarating na sa Moscow si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang isang linggong official visit doon.

Alas 8:25 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 2) oras sa Pilipinas nang lumapag ang sinasakyang eroplano ng pangulo sa Vnukovo Military Base Airport.

Ang pangulon ay sinalubong ng mga Russian official kabilang ang Deputy Director of the State Protocol Department at ang Deputy Director of the Third Asian Department.

Sa unang araw ng pangulo sa Russia, kabilang sa kaniyang schedule ang pagpupulong nila ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev na magaganap hapon ng Miyerkules oras sa Pilpinas.

Read more...