Albayalde naniniwalang ginagamit ang isyu sa ‘ninja cops’ para pwersahan siyang pagbitiwin sa pwesto
Naniniwala si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na ang isyu sa ‘nija cops’ ay isang ‘trap’ na layong siya ay pwersahang pagbitiwin sa pwesto.
Ayon kay Albayalde, idinidiin siya sa usapin para mapwersa siyang mag-resign o magretiro ng maaga.
Nanindigan naman si Albayalde na hindi siya mahuhulog sa nasabing “trap”.
Si Albayalde ay nakatakdang magretiro sa November 8 dahil sasapit na siya sa mandatory retirement age na 56.
Si Albayalde ay pinangangalang sangkot sa ‘ninja cops’ ni dating PNP-CIDG Director at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.