Maine Mendoza hindi umaasahang mapapantayan ng pelikula nila ni Carlo Aquino ang “Hello, Love,Goodbye”

By Jimmy Tamayo October 02, 2019 - 10:32 AM

Hindi umaasa si Maine Mendoza na mapapantayan ng pelikula niya ang tagumpay ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinangungunahan ng dating ka-love team niya na si Alden Richards.

Hindi nakaiwas si Maine sa pagtatanong tungkol kay Alden kaugnay ng unang movie niya sa bakuran ng ABS-CBN na “Isa pa With Feelings” kasama si Carlo Aquino.

Sa media launch para sa nasabing pelikula, sinabi ni Maine na hindi naman niya hinahangad na mapantayan o malagpasan ang tagumpay ng HLG.

Sinabi pa ng tinaguriang phenomenal star na masaya siya sa tagumpay ng pelikula ni Alden at alam niyang masaya din ang aktor anuman ang tinatamasa niya sa ngayon.

Aminado si Maine na magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa ngayon at umaasang tatangkilikin ng mga tao ang pelikula nila ni Aquino gaya ng pagtanggap ng marami sa pelikula ni Alden.

Ang Isa pa With Feelings ay sa direksyon ni Prime Cruz sa ilalim ng Blacksheep productions at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa October 16.

TAGS: ALden Richards, Blacksheep productions, Carlo Aquino, Goodbye, Hello, Isa Pa With Feelings, Love, Maine Mendoza, ALden Richards, Blacksheep productions, Carlo Aquino, Goodbye, Hello, Isa Pa With Feelings, Love, Maine Mendoza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.