Drug suspect kabilang ang isang estudyante arestado sa anti-drug operation sa Kidapawan City

By Jimmy Tamayo October 02, 2019 - 10:26 AM

Arestado ang tatlong drug personalities kabilang ang isang estudyante sa magkahiwalay na operasyon sa Kidapawan City.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Regional Police Drug Enforcement unit 12 sa harap ng isang paaralan sa lungsod.

Kinilala ang naaresto na si Mark John Pama Villaruz, 21-anyos at residente ng Purok 4, Barangay Bual, Tulunan, North Cotabato na nakuhanan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, naaresto naman ang dalawang babae sa buy bust operation sa isang lodging house sa barangay Poblacion.

Kinilala ang mga naaresto na sina Marjorie Filomeno Roa, 25-anyos at residente ng Barangay Birada at Jennyve Albiso Goling, 20-anyos na residente ng Purok 1, Barangay San isidro.

TAGS: drug suspects, Kidapawan City, War on drugs, drug suspects, Kidapawan City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.