Chairman ng barangay arestado sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Sultan Kudarat

By Jimmy Tamayo October 02, 2019 - 10:22 AM

Arestado ng isang barangay chairman matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa Sultan Kudarat.

Kinilala ng Police Regional Office (PRO-12) ang naaresto na si Datu Ayatullah Jainal Mapandala, 39-anyos at chairman ng Barangay Kiladap sa bayan ng Talitay, Maguindanao.

Nadiskubre ang armas nang masangkot sa aksidente ang sasakyan ni Mapandala Martes (Oct. 1) ng umaga sa bayan ng Esperanza.

Ang baril na isang .45 caliber pistol at isang firearm clip na puno ng bala ay nakita sa sling bag ni Mapandala at wala naman itong maipakitang dokumento.

Mahaharap ang chairman ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act.

TAGS: Comprehensive Firearms and Ammunition Act, Datu Ayatullah Jainal Mapandala, maguindanao, sultan kudarat, talitay, Comprehensive Firearms and Ammunition Act, Datu Ayatullah Jainal Mapandala, maguindanao, sultan kudarat, talitay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.