Ban sa US sa mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. De Lima panghihimasok sa soberanya ng bansa – Rep. Abante

By Erwin Aguilon October 02, 2019 - 10:15 AM

Naniniwala si House Minority Leader Benny Abante na sampal sa mukha at sa soberanya ng bansa ang hakbang ng US Senate Appropriations Committee na ipagbawal ang pagpasok sa Amerika ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nasa likod ng pagkakakulong ni Senator Leila de Lima.

Ayon kay Abante anuman ang posisyon sa pagkaka-detain kay de Lima ay hindi dapat pinanghihimasukan ang legal na proseso ng bansa.

Sa hakbang anya ng US ay tila dinidiktahan ng mga ito ang mga hukom sa magiging desisyon sa kaso ni De Lima na ngayon ay ongoing pa rin ang paglilitis.

Dahil dito, nangangamba si Abante kung papaano pa magiging patas ang hukom gayong inaatake ng Estados Unidos ang judicial independence ng bansa.

Kaugnay nito, hiniling ng lider ng minorya na bawiin ng mga US senators ang ipinasang amendment.

TAGS: Radyo Inquirer, Senator Leila De Lima, US Senate Appropriations Committee, Radyo Inquirer, Senator Leila De Lima, US Senate Appropriations Committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.