Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 9:25 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 2) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales at Quezon.

Ayon sa PAGASA ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods at landslides.

Pinayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga abisong ilalabas ng PAGASA.

Read more...