Paggamit ng 4Ps fund pambili ng palay ilalapit ni Senator Bong Go kay Pangulong Duterte

By Jan Escosio October 02, 2019 - 09:54 AM

Ipapakiusap kay Pangulong Duterte ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na sertipikahan bilang urgent ang resolusyon na magamit ang pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps para bilhin ang palay ng mga lokal na magsasaka.

Ang tinutukoy ni Go ay ang Senate Joint Resolution No. 8 na humihikayat sa DSWD na magamit ang bahagi ng pondo ng 4Ps para bilihin ang palay ng mga lokal na magsasaka.

Nabatid na sa P28.5 bilyon pondo ng programa hinuhugot ang P600 rice subsidy kada buwan na ibinibigay sa mga benipesaryo.

Nakasaad sa resolusyon na sa halip na pera ang mga benipesaryo ay bibigyan na lang ng 20 kilo ng bigas kada buwan.

Ito ay binabalak din sa ilang ahensiya ng gobyerno, gaya ng AFP, PNP, BJMP, Coast Guard, BFP, na nabibigyan ng rice allowance

Sa ngayon, hirap ang mga lokal na magsasaka dahil sa mababang halaga ng palay bunga ng pagdagsa ng mga imported rice na resulta ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay Go at base sa mga ulat, 200,000 magsasaka ang hindi na nagta-trabaho at 4,000 rice mills ang huminto na ang operasyon.

Sinabi ng senador na sa pag uusap nila ni Pangulong Duterte, nangako na ito na sesertipikahan na urgent ang resolusyon kapag nabasa na niya ang committee report.

TAGS: 4Ps, bong go, dswd, Radyo Inquirer, rice tariffcation law, 4Ps, bong go, dswd, Radyo Inquirer, rice tariffcation law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.