Sunog sumiklab sa isang paaralan sa Lapu-Lapu City, Cebu

Natupok ang isa sa mga pasilidad ng Pusok National High School sa Lapu-Lapu City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Miyerkules (Oct. 2).

Ayon sa Lapu-Lapu City Fire Central District nadamay pa sa sunog ang residential area sa likod ng paaralan sa Sitio Matumbo, Barangay Pusok.

Itinaas pa sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog.

Wala namang nasugatan sa sunog na naideklarang kotrolado alas 4:14 ng umaga.

Pinaniniwalaang sa library ng paaralan nag-umpisa ang apoy.

Read more...