Lalaki patay matapos mahagip ng tren sa Maynila
Halos mahati ang katawan ng isang lalaking empleado ng Manila City Hall nang masagasaan ito ng tren ng PNR sa Tondo, Maynila Miyerkules, Oct 2 ng umaga.
Dead on the sport si Florante Dupan, 54 anyos.
Nakatalaga ang biktima sa Engineering Department ng pamahalaang-lungsod.
Base sa kuha ng CCTV sa lugar kita ang paglabas ni Dupan at patawid ito ng riles para bumili sana ng pandesal.
Pero nahagip ng tren ang biktima sa bahagi ng Tiangulo-Solis at nakaladkad.
Bahagya lamang naantala ang operasyon ng PNR dahil sa insidente at agad ding nagpatuloy ang biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.