Balik-kulungan ang number 1 drug lord ng Mexico na si Joaquin “El Chapo” Guzman makaraan siyang muling mahuli makalipas ang isang maduong military operations.
Sinabi ni Mexico Attorney-General Arely Gomez na sa pagkakataong ito ay kanilang titiyakin na hindi na muling makatatakas ang lider ng Siniloa Drug Cartel.
Si El Chapo ay nahuli ng mga tauhan ng Mexican Marines sa isinagawang raid sa coastal City ng Los Mochis sa Northwestern area ng State of Siniloa.
Magugunitang noong July 11 2015 ay nakatakas si Guzman sa mismong loob ng kanyang selda sa high-tech prison facility ng Altiplano sa pamamagitan ng isang kilometrong tunnel.
Sinasabing nakipag-sabwatan kay El Chapo ang ilang Prison officials kaya nakatakas ang nasabing Drug Lord.
Sa ginawang operasyon ng mga otoridad kahapon ay napatay nila ang lima sa mga malalapit na tauhan ni El Chapo.
Ang grupo ni El Chapo ay kinatatakutan sa Mexico dahil pinapatay nila ang mga nakakabangga sa kanilang iligal na negosyo.
Kahit ang mga tauhan ng Militar ay nag-iingat sa nasabing grupo dahil sa lalim ng kanilang koneksyon sa ilang opisyal ng Mexican government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.