Magkasunod na lindol naitala sa Davao Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2019 - 09:29 AM

Magkasunod na pagyanig ang naitala sa Davao Occidental Miyerkules, Oct. 2 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.6 na lindol alas 7:26 ng umaga sa 265 kilometers southwest ng Sarangani.

May lalim na 10 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Alas 8:35 naman ng umaga nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan naman ng Jose Abad Santos sa nasabing ring lalawigan.

Ang pagyanig ay naitala sa 123 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.

May lalim na 96 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Jose Abad Santos, Sarangani, Davao Occidental, earthquake, Jose Abad Santos, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.