Arson kabilang sa anggulong tinitignan sa sunog na naganap sa Star City

Kabilang sa sinisilip ng mga otoridad ang anggulong ‘arson’ o sinadya ang sunog na naganap sa Star City sa Pasay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) mayroon kasing tweet na ipinakita ang may-ari ng pasilidad na at nakasaad ang katagang “Star City will die”.

Ang naturang tweet ay ipinakita sa mga otoridad ni Lisa Macuja – asawa ni Fred Elizalde ang may-ari ng amusement park.

Ayon pa kay Pasay City Fire Marshall Superintendent Paul Pili nagtataka din ang mga bumbero dahil sabay-sabay na nangyari ang pagsiklab ng apoy sa magkakaibang bahagi ng Star City.

Sa inisyal namang imbestigasyon maaring sa stockroom nagmula ang apoy.

Hindi rin inaalis ng BFP ang posibilidad na maaring problema sa electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Read more...