PAGASA: LPA sa Silangan ng Legazpi City, maliit ang tyansang maging bagyo

By Rhommel Balasbas October 02, 2019 - 05:06 AM

Patuloy na binabantayan ang isang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 800 kilometro Silangan ng Legazpi City.

Sinabi ni weather specialist Meno Mendoza na mababaw ang tyansa na maging bagong bagyo ang LPA.

Malayo pa rin sa kalupaan ang LPA kaya’t wala itong epekto saanmang bahagi ng bansa.

Ngayong araw, makararanas pa rin ng maalinsangan at maaliwalas na panahon ang buong bansa maliban na lamang sa mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot ng localized thunderstorms.

Wala nang nakataas na gale warning saan mang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.

TAGS: Legazpi City, low pressure area (LPA), Pagasa, Philippine Area of Responsibility (PAR), Legazpi City, low pressure area (LPA), Pagasa, Philippine Area of Responsibility (PAR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.