Isa na ang naitalang patay sa prusisyon ng Itim na Nazareno

By Erwin Aguilon January 09, 2016 - 01:30 PM

PRC2
PRC photo

Kinumpirma ng Philippine Red Cross na isang lalaki ang namatay makaraang dumanas ng pananakit ng dibdib habang lumalahok sa prusisyon ng Black Nazarene.

Sa report ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine Red Cross Secretary-General Gwen Pang na unang dumaing ng pananakit ng dibdib ang hindi na pinangalanang biktima nang siya’y dalhin sa Medical Tent ng PRC.

Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay kaya kaagad siyang isinugod sa Ospital ng Maynila kung saan ay idineklara siyang Dead-on-Arrival (DOA).

Umabot naman sa halos ay tatlong-daang mga deboto na ang nadala sa mga Medical Tents ng PRC dahil sa ibat-ibang dahilan.

Kabilang na dito ang pagtaas ng blood pressure ng ilang mga deboto, ang ilan naman ay nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga paa samantalang meron ding nai-ulat na babaeng nahulog mula sa andas ng Black Nazarene.

TAGS: Black Nazarene, PRC, quiapo, Black Nazarene, PRC, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.