UP coach Bo Perasol iaapela sa UAAP ang 3-game suspension

By Len Montaño October 02, 2019 - 04:40 AM

Para kay University of the Philippines (UP) coach Bo Perasol, sobra ang ipinataw na suspensyon sa kanya ng UAAP kaugnay ng laro ng Fighting Maroons laban sa Ateneo Blue Eagles noong Linggo.

Ayon kay Perasol, iaapela niya sa UAAP ang parusang tatlong larong suspensyon.

Ipinataw ng UAAP ang parusa dahil sa “continuous flagrant acts of aggression” ni Perasol na naging dahilan kaya ito na-eject sa laro kung saan nanalo ang Ateneo.

Ang ejection ni Perasol ay may katumbas na one-game suspension pero dinagdagan ito ng dalawang larong suspensyon ni UAAP commissioner Jensen Ilagan.

Ito ay dahil sa aksyon ng UP coach sa referee na si Jaime Rivano kahit ilang beses na itong inawat ng kanyang mga players.

Habang nakaapela, suspendido na si Perasol sa laban ng UP kontra Far Eastern University (FEU) sa October 6, University of the East (UE) sa October 12 at University of Santo Tomas (UST) sa October 16.

 

TAGS: 3-game, Ateneo, Blue Eagles, continuous flagrant acts of aggression, ejection, Fighting Maroons, iaapela, suspensyon, UAAP, up, UP coach Bo Perasol, 3-game, Ateneo, Blue Eagles, continuous flagrant acts of aggression, ejection, Fighting Maroons, iaapela, suspensyon, UAAP, up, UP coach Bo Perasol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.