Filipino archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang nuncio sa Spain
Itinalaga ni Pope Francis ang Filipino archbishop na si Bernardito Auza bilang bagong Apostolic Nuncio sa Spain.
Inanunsyo ang appointment ni Auza, alas-6:00 ng gabi ng Martes sa Roma.
Papalitan ng bagong papal envoy si retired Italian Archbishop Renzo Fratini na nasa pwesto na simula 2009.
Naabot na ni Fratini ang edad na 75 kaya’t kinailangan na itong magpasa ng resignation sa Santo Papa.
Bago italaga bilang Apostolic Nuncio to Spain, simula 2014 ay nagsisilbing Holy See’s Permanent Observer to the United Nations sa New York si Auza.
Magaling sa wikang Espanyol si Auza.
Para kay Balanga Bishop Ruperto Santos napakahalaga at makahulugan ang pagtatalaga sa isang Filipino bilang bagong envoy ng Santo Papa sa Spain.
Ito ay dahil magdiriwang ang Philippine Catholic Church ng 500 years of Christianity.
“On the forthcoming grace-filled event of 500 years of Christianization of our country, the Philippine Church gives her gift and gratitude in the person of Archbishop Auza. God’s graces and the Gospel our Spanish missionaries have sown in us are our fruits for Spain and for the whole world. It is indeed a call for us to celebrate with gratitude and with deep appreciation our 500 years of Christianization,” ani Santos.
Ang mga Espanyol ang nagdala ng Kristiyanismo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.