Higit P35M jackpot sa Lotto 6/42 napanalunan

Isang maswerteng mananaya ang mag-uuwi sa higit P35 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng lucky bettor sa draw kagabi ang winning combination na 22–27–11–23–21–36.

Ang total jackpot prize ay P35,402,723.80.

Mababawasan naman ng 20 percent ang iuuwi ng bettor dahil sa tax mula sa TRAIN law.

Para makuha ang premyo, kailangan lamang pumunta ng lucky bettor sa PCSO main office sa Mandaluyong at magpakita ng dalawang valid IDs.

Samantala, may 19 ding consolation prize winners matapos makuha ang limang digits at mag-uuwi sila ng P25,000 kada isa.

Hindi naman napanalunan ang P210.2 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58.

 

Read more...