Drug suspect patay sa enkwentro sa Maynila; 3 iba pa arestado

By Len Montaño October 02, 2019 - 04:15 AM

Patay ang isang umanoy tulak ng droga sa buy bust operation ng Manila Police sa Paco, Manila Miyerkules ng madaling araw.

Nagkasa ng operasyon sa loob ng bahay ng suspect sa Barangay 808 pero natunugan umano nito na pulis ang kanyang katransaksyon kaya nanlaban ito.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan ang suspect.

Nakaakyat pa ang suspect sa kwarto nito kung saan ito binawian ng buhay.

Ang suspect ang sinasabing pusher ng droga sa Malate, Ermita at Sta. Ana.

Samantala, arestado ang tatlong iba pang suspect sa naturang operasyon.

Huli sa akto ng drug session ang isang lalaki at dalawang babae sa bahay ng napatay na suspect.

 

TAGS: 3 arestado, buy bust, drug suspect, enkwentro, manila, nanlaban, paco, 3 arestado, buy bust, drug suspect, enkwentro, manila, nanlaban, paco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.