Robin Padilla dumipensa sa panganganak ni Mariel Rodriguez sa Amerika

By Len Montaño October 02, 2019 - 04:12 AM

Mariel Rodriguez IG

Walang nakitang mali si Robin Padilla sa nakatakdang panganganak ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez sa kanilang ikalawang anak sa Amerika.

Nasa US na ngayon si Mariel at sa kanyang update ay humiling ito ng dasal para sa ligtas na panganganak.

Isang netizen ang nagkomento na pumupunta lamang ang aktres sa US para manganak na anyay hindi pinapayagan.

Tanong ng netizen, bakit umaalis ng bansa si Mariel kapag nanganganak gayung ipinagmamalaki ng asawa nitong si Robin ang pagiging nationalistic.

Sagot naman ng aktor, ang pagiging Filipino-American ay hindi pagtataksil sa bansa.

Giit pa ni Robin, karapatan ni Mariel na manganak sa US dahil isa itong American citizen.

Matatandaan na sa Amerika ipinanganak ni Mariel ang panganay nila ni Robin na si Isabella at doon din niya isisilang ang ikalawang baby na si Gabriela.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: American citizen, dumipensa, Fil Am, manganganak, Mariel Rodriguez, nationalistic, robin padilla, US, American citizen, dumipensa, Fil Am, manganganak, Mariel Rodriguez, nationalistic, robin padilla, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.